2 supporter ng isang kandidato sa Abra tinambangan

0
56

Patay ang dalawang lalaki sa pamamaril sa barangay Kimmalaba sa bayan ng Dolores, Abra, kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodel Pilor at Roland Lasara pawang mga tagasuporta ni Abra Governor Jocelyn Bernos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon pinagbabaril ang dalawa habang nakasakay sa motor.

Posible umanong shotgun ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

Dahil dito, kinondena ni Bernos ang sinapit ng kaniyang dalawang tagasuporta.

Hindi naman masabi pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan nga sa pulitika ang nasabing pamamaslang.

—-