2 sundalo patay sa isang engkwentro sa Samar

0
41

Patay ang dalawang sundalo at dalawang rebelde sa engkwentro ng tropa at New People’s Army o NPA sa Calbayog City, Samar.

Batay sa ulat, mula sa 43rd Infantry Battalion, ang mga sundalong nakasagupa ng mga rebelde sa pamumuno ni Salvador Nordan alyas ‘Badok’ o ‘Gahi’ sa Barangay Olera.

Isusugod pa umano sa ospital ang dalawang sundalo ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang mga ito.

Narekober naman sa pinangyarihan ang dalawang m-14 rifles.