2 Pinoy patay sa car accident sa Singapore

0
21

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may 6 na Pinoy na nadamay sa isang car accident sa Singapore.

Ayon kay Adrian Candolada, Charge d’ Affairs ng Philippine Embassy to Singapore, 2 Pinoy ang namatay, 2 ang nasa kritikal na kondisyon, at 2 pa ang kasalukuyang ginagamot sa ospital na nasa maayos na kalagayan na.

Aniya, kinukuha na rin ng embahada ng Pilipinas sa Singapore ang lahat ng detalye ng aksidente.

Siniguro rin ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez na bibigyan ng tulong ng embahada ang mga Pilipinong biktima.

Una nang naiulat ang pagbangga ng isang sasakyan sa gilid ng Lucky Plaza kung saan 2 ang namatay at 4 ang nasugatan.