32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2 petsa para sa BOL plebiscite itinakda ng Comelec

- Advertisement -

Nakatakdang isagawa sa loob ng dalawang araw ng Commission on Elections (Comelec) ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Spokesperson Executive Director James Jimenez, layon nitong maresolba ang mga petisyon para sa involuntary inclusion sa mga lugar na bumubuo sa Autonomous Region Of Muslim Mindanao.

Paliwanag ni Jimemez, tuloy ang plebesito sa naunang itinakdang araw na Enero 21 sa mga lalawigang bumubuo sa armm gayundin sa Isabela City sa Basilan at Cotabato City.

Habang isasagawa naman ang plebesito sa Pebrero 6 sa mga lalawigan ng Lanao del Norte maliban sa Iligan City, mga Bayan Ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato at mga lokal na pamahalaan na humihiling na sa isali sila sa plebesito.

Ayon kay Jimenez, merong siyamnapu’t siyam (99) na mga nakabinbing petisyon sa comelec para maipasama sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa ilalim ng BOL.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -