33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

2 Patay sa panibagong shooting incident sa Gensan!

- Advertisement -

Isa namang pamamaril ang nangyari sa harap mismo ng Gensan Hall of Justice sa Barangay Lagao General Santos City ganap na alas 9:50 kaninang umaga Sept. 3,2018.
Ang biktima ay kinilala na si Faith Dela Torre 38 anyos,may asawa residente ng Fortune Village Barangay City Heights,General Santos City. Ayon sa report tinamaan sa noo at kanang mukha ang babae,habang pasakay ng isang tricycle kung saan napag-alaman na kakagaling lang nito sa loob ng Hall of Justice at kakatapos lamang dumalo sa isang court hearing.
Ang masaklap pa nadamay ang isang tricycle driver na sinakyan ni Faith na kinilalang naman na si Jimmy Caylan Yoca, 31 anyos at residente ng Quijo St. Balite Barangay Lagao na tinamaan din sa ulo. Batay naman sa mga nakakita nakahingi pa ng tulong si Yoca ngunit nilagutan din ito ng hininga.

Sa ngayon ang patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Lagao Police Station.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -