35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

2 patay sa matapos manalanta ng bagyong Quiel sa Cagayan

- Advertisement -

Patay ang dalawa (2) katao habang inilikas na ang iba pang residente dahil sa hindi paghupa ng baha sa Northern Cagayan.

Batay sa ulat, nalunod ang dalawang bata sa Claveria ngunit isa rito ang maswerte pang na-revive.

Nadaganan naman ang isang residente ng gumuhong pader ng kanilang bahay sa barangay Magdalena.

Samantala, nagmistulang lawa na ang mga palayan dahil sa pag-apaw ng mga katabing sapa sa ilang bahagi ng Pamplona, Cagayan.

Patuloy namang nadadagdagan pa ang mga binabahang bayan dahil sa walang tigil na pag-ulan, kabilang na rito ang Western Aparri, Allacapan, Abulug, Ballesteros, Lasam, Santa Praxedes, at Sanchez Mira.

Kaugnay nito, nasa high alert status na ang mga local disaster council dahil inaasahang aabot hanggang weekend ang pagulan sa Northern Cagayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -