2 opisyal ng BuCor nagsampa ng petition for Habeas corpus

0
18

Nagsampa ng petition for Habeas corpus sa Court of Appeals ang 2 opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at 1 doktor ng New Bilibid Prison (NBP) na ikinulong sa Senado.

Ito ay matapos silang ma contempt dahil sa pagsisinungaling sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa katiwalian sa BuCor at NBP.

Ayon sa petisyon ng 3, nilabag ng Senado ang kanilang karapatan sa due process dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon na magsalita at idineklara nalang silang sinungaling matapos magbigay ng testimonya sa isinagawang pagdinig.

Samantala, bukas araw ng Huwebes inaasahang paghaharapin silang muli sa pagdinig. — ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19)