2 mangingisda aksidente nasabugan sa Cotabato

0
50

Sugatan ang 2 mangingisda matapos na aksidenteng masabugan ng home – made dynamite sa Cotabato City.

Agad na isinugod sa pagamutan ang magkamag anak na sina Datu at Mahdi matabalao matapos na aksidenteng sumabog ang 1 sa kanilang mga dinamita na gagamitin sana ng 2 sa kanilang pangingisda.

 Kaugnay nito, isasailalim naman sa imbestigasyon ang 2 at posible pang maparusahan dahil sa pag iingat ng pampasabog.

Sa pag susuri ng mga otoridad, lumalabas na ang pampasabog na gagamitin sana ng 2 ay gawa sa Ammonium Nitrate o Patassium Chlorate na may halong gasolina at sulfur na siya ring ginagamit sa pag gawa ng bomba ng mga komunista at rebeldeng may kaugnayan sa Islamic State.