2 katao sugatan matapos na tamaan ng kidlat sa Zambales

0
50

Sugatan ang dalawa (2) katao matapos na tamaan ng kidlat sa Subic, Zambales.

Kinilala ang mga biktima na sina Francisca dela Cruz at Gina Calasig na kapwa residente ng Barangay Cawag.

Ayon sa Subic Disaster Risk Reduction and Management Council, namamahinga ang dalawa sa ilalim ng puno nang tamaan sila ng kidlat.

Agad isinugod sa Lourdes Medical Hospital sa Olongapo City ang mga biktima na nagtamo ng sunog sa katawan.

Kasalukuyan nang ligtas ang lagay ni Casilag habang nasa kritikal namang kondisyon si Dela Cruz.

—-