31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

2 katao patay sa kilos-protesta sa Iran

- Advertisement -

Nasawi ang 2 katao matapos ang nangyaring kilos protesta sa Iran dahil sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon naman sa otoridad, natagpuan ang 2 nasawi sa magkahiwalay na lungsod sa Sirjan at Behbahan.

Maliban dito, apektado rin ang mga siyudad ng Tehran, Kermanshah, Isfahan, Tabriz, Karadj, Shiraz, Yazd, Boushehr at Sari kung saan hinarangan ang mga kalsada ng kanilang mga sasakyan.

Paliwanag ng pamahalaan ng naturang bansa, kanilang itinaas hanggang 50% ang produktong petrolyo kasabay ng pagbaba ng subsidiya sa petrolyo ay para labanan ang fuel smuggling.

Samantala, nananawagan naman si Prosecutor General Mohammad Jafar Montazeri sa publiko na ihiwalay ang kanilang hanay sa mga tutol lamang sa Islamic system at sa mga nagkakasa ng kilos protesta dahil sa umento sa petrolyo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -