31.2 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

2 hinihinalang bomber patay sa North Cotabato

- Advertisement -

Bulagta sa gitna ng kalsada ang dalawang hinihinalang bomber matapos na makipagbarilian sa mga awtoridad sa M’lang North Cotabato.

Ayon kay PNP North Cotabato Spokesman, Supt. Bernard Tayong, nangyari ang insidente kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw sa barangay Sangat sa nasabing bayan.

Hindi pa malapitan sa kasalukuyan ang mga bangkay ng mga napatay na suspek dahil sa pinangangambahang improvised explosive device o IED na dala ng isa sa mga ito.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga awtoridad sa mga napatay na suspek.

Nabatid na nagsasagawa ng military checkpoint ang tropa ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa lugar at nang sitahin ang dalawa ay biglang nagpaharurot ng motorsiklo sabay pagpapaputok sa tropa ng pamahalaan kaya agad na gumanti ang mga awtoridad na nag-resulta sa agad na kamatayan ng mga suspek.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -