2 Heneral na sangkot sa iligal na droga blangko ang PNP sa pagkakakilanlan

0
24

Blangko ang Philippine National Police sa pagkakakilanlan ng 2 heneral na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot anito sa iligal na droga.

Ayon kay PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac, nagkahanda sila sa anumang uri ng pagdinig o imbestigasyon na isasagawa kaugnay sa isiniwalat ng Pangulo.

Iginiit naman ni Banac na mananatiling tapat, propesyunal at displinado ang hanay ng pulisya.

Aniya, patuloy din ang mas maigting na pagpapatupad nila ng kampanya kontra krimen, iligal na droga  gayudnin ng internal cleansing sa kanilang hanay.

Pagtitiyak pa ni Banac, papanagutin ang sinumang pulis na mapatutunayang nagkaroon ng paglabag dahil hindi nila hahayaang mamayagpag ang katiwalian. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)