2 granada narekober sa Tondo Maynila

0
47

Nagulantang ang ilang residente ng Tondo, Maynila sa pagkakadiskubre ng dalawang granada sa ilalim ng isang footbridge.

Ayon kay Manila Police District Station 1 Commander, Supt. Reynaldo Magdaluyo,  nadiskubre ng pitong taong gulang na lalaki ang pulang backpack na naglalaman ng mga granada sa southbound lane road 10 sa Capulong Street.

Agad anyang dinala ng bata ang bag sa pinaka-malapit na COMELEC checkpoint.

Idinetonate naman ng mga personnel mula sa explosives ordnance division ang dalawang pampasabog na isinilid sa isang plastic bottle.

Narekober din mula sa bag ang isang kalibre kwarenta’y singkong baril at bala ng carbine.

Batay sa imbestigasyon, isang lalaking lulan ng tricycle ang nag-iwan ng backpack sa pangambang mahuli sa checkpoint.