DALAWANG Florida law enforcement officers na dating Drug Enforcement Administration (DEA) agents ang nasakote ng FBI at nahaharap sa kasong droga, ayon sa U.S. District Court ng Middle District ng Florida.
Kinilala ang mga akusadong sina Joshua Earrey, 44-anyos, at James Darrell Hickox, 37-anyos, kapwa inakusang buying or confiscating drugs mula sa DEA sources at selling narcotics, ayon sa court documents.
Sa nailathala ng USA Today News, si Earrey na officer mula sa Jacksonville ay pinarangalan bilang Trooper of the Year noong 2009 ng Florida Highway Patrol kung saan kinasuhan ng ilegal na paggamit ng droga habang may bitbit na baril.
Si Hickox naman na nagmula sa Callahan na may 25 milyang layo sa north of Jacksonville ay kinasuhan ng ‘possession with intent to distribute controlled substances.’
Sa ipinalabas na news release ng hukuman, nahaharap sa maximum penalty na 15 years sa federal prison si Earrey habang si Hickox naman mandatory minimum penalty na 5 hanggang 40 taon sa federal prison.
Sa ulat ng 1st Coast News, si Earrey ay out on bond sa halagang $50K kung saan pinayuhan ng judge na magpa-mental health at drug addiction treatment gayundin ang complete random drug tests.
Samantala, si Sergeant Hickox na ayon sa criminal complaint ay nagbebenta ng droga tulad ng cocaine, ecstasy at substance na may fentanyl ay umapela sa feÂderal court nitong Lunes at piniling bumalik sa kulungan. MHAR BASCO