Nakarecover na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawang pasyente mula sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ayon sa Department of Health (DOH) at ZamboSur Task Force COVID-19, ang dalawang pasyente ay sina Patient #5 na residente ng lungsod ng Labangan at Patient #7 mula sa Pagadian City.
Dahil dito, isa na lamang ang pasyente sa Zamboanga del Sur Medical Center ang naka-isolate sa naturang sakit.