2 cabinet members ni Duterte isinalang sa lifestyle check ng PACC

0
59

Kabilang ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahigit 200 mga opisyal ng gobyerno na isinalang sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ang imbestigasyon ay bunsod ng mga idinulog sa kanilang reklamo nitong unang bahagi ng taon.

Nilinaw ni Belgica na hindi pa guilty ang dalawang hindi niya pinangalanang kalihim dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Bukod sa dalawang kalihim ay isasalang din sa lifestyle check ang mga opisyal at kawani ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na una nang tinukoy na mayroong pinakamaraming reklamo ng korupsiyon sa PACC.

Samantala, nagpapatuloy naman aniya ang nauna nang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Posibleng matapos ito at mailabas na ang resulta sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Kabilang sa iniimbestigahan si dating PCSO Chairman Alexander Balutan at incumbent board member Sandra Cam.