2 barangay officials arestado

0
52

Arestado ng Philippine National Police o PNP ang 2 barangay official sa magkahiwalay na operasyon sa Batangas at La Union.

Kinilala si Gerardo Villanueva na barangay chairman ng San Sebastian Balete at si Rodrigo Garcia barangay chairman ng Rimos sa bayan ng Luna.

Batay sa ulat, narekober kay Villanueva ang isang caliber 45 pistol, dalawang magazine at 16 na rounds ng bala.

Itinuturo din ang barangay chairman na lider umano ng ‘Villanueva Gun Running Group’ na may operasyon sa Batangas.

Samantala nakuha naman kay Garcia ang 180 rounds ng bala, 8 magazine at isang m16 rifle.

Mahaharap ang 2 opisyal sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.