2 bagong helicopter ng PCG darating na

2 bagong helicopter ng PCG darating na

by Powered by DWIZ
163 views

Darating na ang dalawang bagong helicopter ng Philippine Coast Guard (PCG) na binili sa Germany.

Ayon sa PCG, darating sa Disymebre ang dalawang lightweight twin-engine multi-role helicopters na EC 145 T2 ng kumpanyang Airbus Helicopters.

Ang naturang assets ay mayroong weather radar at forward looking infrared, high frequency radios, emergency floatation gear, fast roping, cargo sling, search light at electro optical systems.

Positibo ang PCG na malaki ang maitutulong ng naturang mga bagong air asset para sa critical missions gaya ng search and rescue, medical evacuation, maritime patrol at law enforcement.

0 comment

Related Posts