2 babae arestado matapos nakawin ang pondo ng isang condominium homeowners association

0
49

Arestado ang dalawang babae makaraang nakawin umano ang milyun-milyong pondo ng isang condominium homeowners’ association sa Pasig City.

Ayon kay Brig. Gen. Christopher Tambungan, Eastern Police District Director, si Michelle Ramirez ay sinilbihan ng warrant of arrest para sa 76 na bilang ng kasong Estafa sa Reliance I.T building sa Barangay Ugong.

Nabatid na nakipagsabwatan umano si Ramirez sa isang Reynalyn Costales para mailipat sa kanilang personal na account ang pondo ng Villa Sole Condominium Association.