2-3 araw na advance notice sa mga LGUs kung saan may uuwing OFWs inapela

0
12

Umapela ang League of Provinces of the Philippines (LPP) na bigyan ng dalawa hanggang tatlong araw na advance notice ang local government unit (LGU) kung saan may uuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., pangulo ng LPP, nagugulantang na lang ang mga OFWs na mayroon pala silang dapat sunduin at asikasuhing OFWs na biglang dumating sa kanilang lugar.

Kailangan rin anya ng mga LGU ng preparasyon sa pagsundo, pagkain at pagbibigay ng atensyong medikal sa mga darating na OFWs.

Magugunita na isa si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa nagpahayag ng kanyang pagkadismaya nang makatangap lamang ng text message na may darating silang kababayang OFW na kailangang tanggapin sa kanilang syudad.