1st batch ng mga Pinoy na nasa Wuhan, China nakatakdang ilikas ng DFA

0
13

Nakatakda nang ilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang unang batch ng mga Pilipino na nasa Wuhan City, China.

Batay sa pahayag ng DFA, nasa 50 mula sa 300 bilang ng mga Pilipino na nasa Hubei Province (kung saan matatagpuan ang Wuhan City –ang episentro ng novel coranvirus [nCoV]) ang nais nang makabalik sa bansa.

Sa abiso ng DFA, plano nilang irepatriate ang mga Pilipino sa susunod na linggo, ngunit isasailalim ang mga ito sa patakaran ng disease containment ng China upang matiyak na hindi na kakalat pa ang nCoV.

Kabilang dito ang pagkuha ng immigration clearances, at pagdaan sa quarantine process.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DFA na available ang mga special flights mula sa Hubei Province para sa mga Pilipino na nais nang bumalik ng Pilipinas.