33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

19 pang ‘Delta variant’ naitala sa Bicol

- Advertisement -

Iriga City – Mahigpit ang panawagan ng Department of Health-Bicol Center for Health Development sa mga Bicolano na mahigpit na sumunod sa minimum health protocol matapos na maitala ang 19 panibagong kaso ng Delta (Indian) variant ng COVID-19 kahapon.

Sa ulat ng DOH-Bicol, base sa inilabas na resulta ng Philippine Genome Center nitong Agosto 27, may 19 kaso ng Delta Variant ang bagong naitala sa buong rehiyon kung saan ang Albay ay may lima, 11 sa Camarines Sur, dalawa sa Masbate at isa sa Sorsogon. Dahil dito ang dating apat lamang na kaso ay umakyat na sa 23.

Umabot na rin sa kabuuang 86 ang bilang ng Alpha (United Kingdom) at Beta (South African) variants makaraang madagdagan ng 48 kaso ang rehiyon.

Mula sa dating 19-kaso ng Alpha, ngayon ay 33-kaso na habang ang dating limang kaso ng Beta ngayon ay nadagdagan pa ng 10 kaya umabot na ito sa 15 cases.

Nauna nang nagbabala sa publiko si DOH Regional Director Dr. Ernie Vera na mag-ingat ang lahat lalo na sa kumakalat na bagong mga variants ng COVID-19 dahil hindi kakayanin ng health system ng Bicol sakaling dumami pa ang mga kaso.

Mientras tanto, matapos an abiso kan DOH kasu-odma tulos man na nagpa-abot nin abiso si Alcalde Jeff Besinio kan banwaan nin Baao na kun dati pinapasipara sana an health protocol na sinasabi kan DOH, ngunian na yaon na sa banwaan nin Baao an alpha, beta asin Delta Variant kan covid-19 kaipuhan ng tripehon kan gabos an kinakaipuhan na paglikay.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -