18 sugatan sa pambobomba sa Libya

0
59

Sugatan ang hindi bababa sa 18 katao sa pagsabog ng dalawang car bomb sa Derna City sa Libya.

Batay sa ulat, target ng pagsabog ang military unit na Bulahati na bahagi ng pwersa ng Libyan national army.

Ayon sa isang residenteng saksi, una ay inakala lamang nilang paputok ang unang pagsabog pero nang sinundan pa ito ng pambobomba nakita na nila ang mga nakahandusay ng miyembro ng Bulahati military.

Magugunitang nasa ilalim ng mga Jihadist group ang Derna city bago makuha ng Libyan national army ni Khalifa Haftar ang kontrol nito.