Tuesday, May 7, 2024

17 vaccines kontra COVID-19 nasa clinical trial stage — FDA

- Advertisement -

Regular ang pakikipag-ugnayan ng Food and Drug Administration (FDA) sa DOST para sa technical review ng mg mag-a-apply ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine clinical tiral sa bansa.

Ipinabatid ito ni FDA Director General Eric Domingo na nagsabing mayroong 17 candidate vaccines kontra COVID-19 ang nasa clinical trial stage na ng iba’t-ibang bansa samantalang mahigit 100 pa ang nasa pre-clinical stage naman.

Habang nasa trial stage ang mga nasabing bakuna nauna nang sumali ang Pilipinas sa hiwalay na clinical trial ng World Health Organization (WHO) kung saan apat na uri ng off labeled drug ang sinusubukan bilang gamot sa mga pasyenteng may COVID-19.

Kabilang sa mga gamot na ito ang hydroxychloroquine, remdesevir, lopinavir with ritonavir at lopinavir with ritonavir plus interferon beta-la.

Sa mga naturang gamot ang anti ebola drug na remdesivir ang nakitaan ng positibong epekto sa mga ginamitang pasyente.

Binigyang diin ni Domingo na hangga’t wala pang lunas sa COVID-19 ay dapat manatiling balanse sa kaligtasan ng mga pasyente ang ginagawang clinical trials sa mga gamot.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img