28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

17 bagong kaso ng misteryosong sakit sa China naitala

- Advertisement -

Nakapagtala ang China ng panibagong 17 kaso ng misteryosong sakit na dulot ng isang bagong uri ng coronavirus sa Wuhan City.

Ayon sa mga Chinese Health Authorities, kabilang sa mga bagong kaso ang 3 natukoy na meron nang severe o malalang kondisyon kung saan 2 sa mga ito ang kritikal at hindi na makagalaw pa.

Anila may edad 30 hanggang 79 na taong gulang ang mga bagong biktima.

Bunsod nito, umaabot na sa 62 ang kumpirmadong naapektuhan ng misteryosong sakit sa Wuhan City.

8 sa mga ito ang malala na ang kondisyon, 19 ang gumaling na habang 2 na ang nasawi.

Una nang pinangangambahan ang mas malawak pang pagkalat ng sakit sa buong China bunsod na rin ng inaasahang pag-iikot ng mga milyon-milyong tao doon dahil sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -