32.9 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

1,650 kilos ng iba’t ibang uri ng mga basura nakuha sa ginanap na kampanya ng paglilinis sa Ilog Balili sa La Trinidad, Benguet

- Advertisement -

(Baguio City-La Trinidad, Benguet) Umabot sa 1,650 kilos o 110 na sako ng iba’t ibang uri ng basura ang nakuha sa ginanap na 2023 2nd quarter ng Balili River at Bolo Creek clean-up drive itong mga nakaraang araw lamang.

Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng local na gobierno ng La Trinidad sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office. Ang clean-up drive o ang kampanya sa paglilinis ay kasama sa mga gawain ng La Trinidad Foundation Day o ng pagtatag ng munisipyo ng La Trinidad at bahagi na rin ng nasabing munisipyo sa paggunita ng environment month ngayong buwan ng Hunyo.

Sinalihan ito ng mga barangay sa La Trinidad, Benguet tulad ng Barangay Beckel, Ambiong, Lubas, Shilan, Poblacion, Bineng, Bahong, Betag, Alapang, Alno, Cruz, Pico at Wangal. Tumulong din ang mga tauhan ng La Trinidad Police Station, municipal Fire Station, Bureau of Jail Management and Penology La Trinidad, line government agencies at ng iba’t ibang grupo at institusyon.

Nagpasalamat si Mayor Romeo Salda sa lahat ng mga nakibahagi upang suportahan ang environmental program ng munisipyo ng La Trinidad, Benguet. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to Menro LTB file

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -