16 stranded Filipino seafarer’s mula China inaasahang makauuwi na bukas ng bansa —DFA

0
24

Inaasahan nang makabalik sa bansa bukas ang nasa 16 na mga Pilipinong marino na na-istranded sa China dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang dumating sa bansa ang mga na-istranded na Pilipino sa Martes dakong ala-1 ng madaling araw.

Sinabi ng D-F-A na 11 sa 16 na mga seafarers na ito ay mula sa Ocean Star 86 na nakadaong Dongshan China simula pa noong Marso.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Consulate General sa Xiamen na nakatatanggap naman ng kaukulang ayuda ang mga tripulanteng Pinoy, at natanggap naman ng mga ito ang kanilang sweldo mula sa kani-kanilang mga employer.