16 lalawigan nakakaranas ng matinding tagtuyot ayon sa PAGASA

0
118

Labing anim (16) na lalawigan ang nasa ilalim ng meteorological drought condition na epekto ng weak El Niño na nararanasan sa bansa.

Ipinabatid ni Analiza Solis, pinuno ng Climate Information Monitoring and Prediction ng PAGASA, walong (8) lalawigan ay mula sa Luzon, isa sa Visayas at pito sa Mindanao.

Sinabi ni Solis na ang mga lugar na nasa ilalim ng drought condition ay nakaranas ng mahigit animnapung (60) porsyento ng rainfall reduction mula noong Enero.

Limampu’t limang (55) lugar naman ang nakakaranas ng dry spell at kabilang dito ang labing lima (150 sa Mindanao, labing dalawa (12) sa Visayas at dalawampu’t walo (28) sa Luzon kasama ang Metro Manila.

Ayon kay Solis, ang mga nasa dry spell ay maaaring makaranas ng drought condition kapag hindi nakatanggap ng normal na pag-ulan.

Kinakailangan aniyang makaranas ng sapat at normal na pag-ulan bago sumapit ang Abril dahil kung hindi sa katapusan ng Abril ay maaaring mapasama na ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa nakakaranas ng drought condition.

Maaari naang makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm dahil sa matinding init ng temperatura.

—-