14th report ni Duterte sa Bayanihan 1 nakatakdang isumite ngayong Lunes

0
9

Isusumite ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang huling ulat sa kongreso kaugnay sa pagtupad ng pamahalaan sa Bayanihan to Heal as One law.

Ito na ang ika-14 na ulat ng pangulo sa kongreso mula nang maisabatas ang Bayanihan to Heal as One act kung saan binigyan ng kapangyarihan ang pangulo na mag-realign ng budget para magamit sa pagresponde sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nagpaso na ang batas noong ika-25 ng Hunyo at inaasahang magpapasa muli ang kongreso ng kahalintulad na batas dahil hindi pa tapos ang laban sa pandemya.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na tuloy ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng social amelioration program kahit pa nagpaso na ang Bayanihan to Heal as One act.

Paglalaan naman anya ng pondo ang nakasaad sa batas at hindi ang pisikal na distribusyon ng ayuda.

Inaasahang iaanunsyo ngayong araw na ito ng pangulo ang magiging estado ng quarantine sa mga rehiyon sa bansa.