27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

144 na Barangay Health Workers sa Bontoc, Mt. Province, nakatanggap ng insentibo

- Advertisement -

(Baguio City-Bontoc, Mt. Province) Ilan sa mga  frontline workers na katuwang ang gobierno sa pagdala ng serbisyo sa mga mamamayan ang hindi pa nabibigyan ng karampatang sueldo at ang karamihan sa kanila ay pawang mga volunteers katulad ng mga Barangay Health Workers o BHW.

Ito ang naging sanhi kung bakit ang lokal na gobierno ng  Bontoc, Mountain Province ay nagbigay  ng insentibo sa mga BHWs sa panahon ng Pasko.

May kabuuang  144 na accredited Barangay Health Workers (BHWs) ang nasabing sentro ng probinsiya na nakatanggap ng financial incentive na  tag-₱5,000.00 para sa  second semester ng kasalukuyang taong  2022. Ang pagbibigay insentibo ng LGU Bontoc ay isang pagkilala sa taos pusong serbisyo ng mga BHWs na malaking  suporta sa iba’t ibang  health programs ng gobierno.

Mismong si Bontoc Municipal Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr., ang nanguna sa turnover ceremony noong Disyembre a 23, 2022, sa  Municipal Capitol Auditorium. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit: LGU Bontoc

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -