14 ‘prisoners of war’ hawak ngayon ng NPA

0
67

Hostage ngayon ng New People’s Army (NPA) ang labing apat (14) katao na tinagurian nilang prisoners of war.

Kabilang sa mga bihag ng NPA ang dalawang sundalo at labing dalawang (12) miyembro ng CAFGU o Citizens Armed Geographical Unit.

Ang mga bihag ay tinangay ng tinatayang limampung (50) NPA na sumalakay sa Barangay New Tubigon Sibagat, Agusan del Sur.

Sa isang pahayag, sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) na maayos nilang trinatrato ang mga prisoners of war.

Handa anila silang palayain ang mga bihag kung ititigil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang opensiba laban sa NPA ngayong Kapaskuhan.

Matatandaan na bagamat nagdeklara ng ceasefire ang NPA ngayong Kapaskuhan, hindi ito tinapatan ng tigil putukan ng militar.

Photo Courtesy: CPP Website