14 na mga babae nabiktima ng Human Trafficking sa lungsod ng Baguio nasagip

0
11

(Baguio City) Umaabot sa labing apat na mga kakababaihan ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cordillera (NBI-CAR) sa isinagawa nilang anti-trafficking operation ito lamang mga nakaraang mga araw sa Bokawkan Road, lungsod ng Baguio.

Ang mga nasagip na mga kababaihan ay mula pa sa Visayas at nagtatatrabaho sa PJ’s Massage and Bar. Ayon sa NBI-CAR, ang mga biktima ay nagtatrabaho bilang sex worker sa nasabing establishemento. Sinabi nila sa mga maykapangyarihan na nakatakas ang manager na kinilala nila sa pangalan na si “Jess”.

Magkaganon man, natuklasan ng mga maykapangyarihan na nakapangalan ang nasabing negosyo sa mismong may ari na si Joel Rellin. Sa kasalukuyan, ang mga nasagip ng kababaihan ay nasa pangangalaga ng Office of the Social Welfare (OCSWDO) ng lungsod ng Baguio para sumailalim ang mga ito sa intervention.

Samantala, ang may ari ng nasabing negosyo kasama ang manager ay sinampahan ng kasong paglabag sa human trafficking. Kung inyong matatandan, umabot sa 30 kababaihan ang unang nasagip sa dako ng Magsaysay Avenue Baguio City noong Enero a 11 ng taong ito na pinaniniwalaang biktima din ng human trafficking. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Leave a Reply