14 katao patay matapos araruhin ng tren sa India

0
28

Patay ang 14 katao matapos araruhin ng tren ang isang grupo ng mga migrant workers habang natutulog sa riles sa India.

Sa ulat ng railway ministry, libo-libong tao ang naglalakad pauwi sa kani-kanilang tahanan nang mawalan ng trabaho ang mga manggagawa dahil sa ipinatutupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.

Sinasabing nakapagpreno pa ang drayber ng tren nang makita  ang mga biktima sa riles pero huli na ang lahat.

Agad na ipinag-utos ni Prime Minister Narendra Modi ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima.