14 days ‘special concern lockdown’ ipapatupad sa ilang bahagi ng QC

0
13

Isasailalim sa 14 na araw na special concern lockdown ang ilang bahagi ng Quezon City upang matugunan ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Epektibo simula kaninang hating gabi, ipinatupad ang special concern lockdown sa barangay Culiat-Vargas Compound at Angkop Canada Compound sa Quezon City.

Sa ilalim ng tinatawag na special concern lockdown, bawal maglabas pasok ang mga residente sa lugar sa loob ng 14 na araw.

Ayon kay Rose Bartolome, purok leader sa naturang lugar, talagang mahigpit na ipatutupad ang special concern lockdown at bawal na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga residente.

Naabisuhan naman aniya ang mga residente sa lugar, para makapag-imbak ng kani-kanilang mga pangangailangan at sa oras na mag kulang naman ito, o may kailanganin ang mga residente ay maari naman anya itong bilihin o ihatid ng mga frontliners.

Nabatid naman na nasa limandaang pamilya ang apektado ng special concern lockdown.