Inaasahan nang tuluyang maisara ang nasa 13 u-turn slots sa EDSA pagdating ng Disyembre.
Ito ay kasunod na rin nang ginawang pagsasara ng u-turn slot sa may panulukan ng North Avenue sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia ang pagsasara ng mga u-turn slots ay bilang bahagi ng pagpapaganda, at pagbilis ng biyahe ng mga bus sa point-to -point bus lane.
Sinabi ni Garcia, hindi naman kasi nila mamadalain ang pagsasara ng mga u-turn slots dahil hindi pa rin aniya dumarating ang mga barriers na gagamitin sa pagsasara ng mga ito.