13 senatorial candidates sa midterm elections nanganganib ma-disqualify

0
60

Posibleng malagasan pa ng 13 kandidato ang 76 na senatorial aspirant na nasa partial list para  sa May 13 midterm elections.

Ang 13 ay sina Albert Alba, Ernesto Ansula, Hussayin Arpa, Rizalito David, Angelo De Alban, Alexander Encarnacion, Geremy Geroy, William Iliw-iliw; Josefa Javelona; Norman Marquez, Rolando Merano, Frank Naval at Eric Negapatan.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez,  hinihintay pa nila ang certificate of finality  sa kaso ng nabanggit na kandidato upang hindi na mapabilang sa official ballot sakaling mapatunayang mga nuissance o panggulo.

Magugunitang inilabas kanina ng COMELEC ang listahan ng mga senatorial aspirant at 134 na partylist organizations para sa midterm polls.