13 patay sa nangyaring aksidente sa Camarines Sur

0
50

13 ang patay habang 25 ang sugatan makaraang maaksidente ang isang trak sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur.

Ayon sa Police Regional Office 5 o Bicol PNP, nangyari ang aksidente dakong ala-5:20 kahapon ng hapon sa kahabaan ng municipal road sa nasabing bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang trak na naka-rehistro sa lokal na pamahalaan ang bumabaybay sa bulubunduking bahagi ng lugar nang bumangga ito sa shoulder road at gumulong dahil sa pagkawala ng control.

Lima sa mga bitkima ay dead on the spot habang ang iba pa ay binawian na lamang ng buhay habang sila’y ginagamot sa ospital.