31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

13 out of 18 na kaso sa pagpatay sa mga local chief executives naresolba na — PNP

- Advertisement -

13 sa 18 na kaso ng pagpatay sa mga local chief executives sa ilalim ng administrasyong Duterte ang naresolba na.

Ito ayon sa Philippine National Police (PNP) sa harap ng halos sunod-sunod na insidente ng pamamaslang sa mga alkalde at bise alkalde ng iba’t ibang lungsod.

Ayon sa PNP, batay sa kanilang imbestigasyon, ang kaso ng pagpatay kina Ilocos Norte Mayor Arsenio Agustin, Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan, Sapa-Sapa, Tawi-Tawi Vice Mayor Al-Rashid Mohammad Ali ay dahil sa pulitika.

Samantalang negosyo naman ang motibo sa pagpaslang kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote.

Away pamilya naman iniuugnay ang pagpatay kina Vice Mayor Anwar Sindatuk ng Maguindanao at ni Mayor Mohammad Limbona ng Lanao Del Norte.

Nasawi naman sa police operations sina Mayor Samsudin Dimaukom ng Maguindanao, Albuera Town, Leyte Mayor Rolando Espinosa, at Ozamiz City Mayor Reynald Parojinog.

Paghihiganti naman ang nakitang dahilan ng pagpatay kay Vice Mayor Jackson Dy ng Roxas sa Oriental Mindoro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -