120 illegal stalls giniba sa Barangay Gibraltar, Baguio City para sa pagpapatayuan ng bagong satellite market

0
12

Baguio City – Giniba ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio ang 120 illegal stalls na ginagamit ang lote sa barangay satellite market project sa Barangay Gibraltar.

Ang hakbang ay naaayon sa bisa ng Demolition Order No. 49 series of 2023 na ipinalabas ni Mayor Benjamin Magalong. Sinabi ni Engr. Donald Gas-ib, ang pinuno ng City Buildings and Architectures Office (CBAO) Investigation and Demolition Division na maliban sa 120 struktura, mayroon pang lima pang iba ang giniba kusa ng mismong may ari. 

Ang paggiba ay isinagawa upang bigyang pagkakataon na maitayo ang apat na palapag na gusali ng pinagandang satellite market na magsisilbi sa Gibraltar at mga kalapit na barangay nito.

Sinabi ni Gas-ib sa kanyang imbestigasyon, na ang mga manininda doon ay ipinarerenta nila ang kanilang puwesto na walang pahintulot. 

Hinadlangan ng mga tindera ang satellite market project at ayaw na lisanin ang naturang lugar na nagresulta ng pagkaabala ng pagsasagawa ng naturang proyekto. 

Ngayon klaro na ang lugar, sinabi ni Gas-ib maari nang mag umpisa ang contractor sa proyekto.  (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

Leave a Reply