Iriga: 245 retailers sa Bicol, nabigyan na ng permit ng PNP Bicol para magbenta ng paputok

0
11

Patuloy ang pag-iinspeksyong isinasagawa ng PNP Bicol sa mga nagbebenta ng mga paputok sa rehiyon.

Sa datos ng PNP Bicol nitong Miyerkules, wala pa anila silang nakukumpiskang mga ilegal na paputok sa bicol. Ngunit nagbibigay na sila ng permit sa mga nagbebenta ng mga paputok.

Sa kabuuan, mayroong 245 retailers sa Bicol ang nabigyan na nila ng permit. Pinakamarami rito ang Camarines Sur kung saan umabot sa 94 ang nabigyan. Habang mayroon namang 68 na retailers ang nabigyan ng permit sa Albay.

Samantala, namimigay din ang kapulisan ng mga fliers na naglalahad ng mga importanteng impormasyon hinggil sa paggamit ng mga firecrackers at mga pyrotechnic devices. Patuloy naman ang kampanya ng PNP Bicol laban sa paggamit, pagbenta at paggawa ng mga ipinagbabawal na paputok.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

 

Leave a Reply