120 Chinese Nationals tinamaan ng Dengue sa Mariveles Bulacan

0
42

Tinamaan ng Dengue ang 120 Chinese Nationals na nagtatrabaho sa isang Coal Plant sa Mariveles Bulacan.

Ayon kay Bataan Provincial Health Officer Rosanna Buccahan, posibleng ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Dengue sa naturang planta ay bunsod ng maduming pasilidad dito, partikular na sa kuwartel kung saan nakatira ang mga dayuhang manggagawa.

Samantala, tiniyak naman ni Buccahan na nasa maayos na kundisyon na ngayon ang mga tinamaan ng sakit na Dengue.