12 m pisong halaga ng puslit na bigas nasabat sa Basilan

0
43

Naharang ng mga operatiba ng Philippine Navy ang may 12 milyong pisong halaga ng bigas na nakatakdang ipuslit papasok sa bansa

Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, naharang nila sa bahagi ng Lampinigan Island sa Basilan ang M/L Jehan lulan ang nasa 10 sako ng pinaniniwalaang Smuggled Rice

Galing sa labuan, malaysia at patungong Zamboanga City ang nasabing barko sakay ang 10 Tripolante

Nabisto ng mga tauhan ng Navy na walang kaukulang dokumento ang mga nasabing kontrabando ng bigas

Dinala na sa Naval Station Romulo Espaldon sa bagong Calarian, Zamboanga City ang barko na may lamang mga bigas bago i-turn over sa Bureau Of Customs