35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

12 Chinese sa Iloilo, Aklan inoobserbahan ng DOH hinggil sa sintomas ng NCov

- Advertisement -

12 Chinese national sa Iloilo at Aklan ang kasalukuyang mino monitor ng Department of Health dahil sa pagpapakita ng sintomas sa 2019 novel coronavirus.

Sa Iloilo City, inilagay sa medical observation ang isang 3 taong gulang na batang lalaki galing sa China dahil sa pagkakaroon ng lagnat.

Wala naman anilang travel history sa Hubei province ang naturang bata na dumating sa bansa kasama ang kanyang mga magulang.

Samantala, isinailalim din sa observation ang 11 Chinese national na nagbabakasyon sa Boracay.

Bagama’t wala namang ipinapakitang sintomas ang mga dayuhan ay minabuting ilagay pa rin ito sa under observation dahil nagbyahe ang mga ito sa China at hong kong bago nagpunta sa aklan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -