28.1 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

12 arestado sa ikinasang mga operasyon ng pulisya sa Cavite at Laguna

- Advertisement -

Aabot sa 12 drug suspects ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite.

Target ng pulisya ang suspek na si Angela Borigas na nasa bahagi ng Barangay Canlalay, bayan ng Biñan, lalawigan ng Laguna.

Maliban dito, huli rin sa akto ang sampung kasamahan nito sa ginawang entrapment operation nang magsilbing posueur buyer ang isang pulis.

Nakuha mula sa mga naaresto ang hindi bababa sa dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 6,000 piso.

Arestado rin ng pulisya ang isa pang suspek na kinilalang si Rey Silvano ng Barangay Tanzang Luma 6 sa bayan ng Imus makaraang mahuli sa aktong nag-aabot ng pakete ng hinihinalang shabu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -