Antigong sapatos ni Michael Jordan nabili sa auction sa halagang $615K

0
17

Nabili sa halagang $615,000 o katumbas ng mahigit P29 million ang Air Jordan 1 Highs na sapatos ni Michael Jordan sa Christie’s auction house sa Amerika.

Dahil dito, nabasag nito ang all-time record para sa basketball shoes na naitala ilang buwan na ang nakalipas kung saan nabili naman ang isa pang sapatos ni Jordan sa halagang $560,000 o halos P28 million.

Sinasabing isinuot ng basketball legend ang nabanggit na sneakers sa kontrobersiyal na exhibition match sa Italy noong 1985 matapos i-dunk ni Jordan ang bola na naging dahilan upang mabasag ang glass backboard.