32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

11 kabilang ang isang miyembro ng Navy timbog sa buy bust sa Pasay

- Advertisement -

Arestado ang labing isa (11) katao kabilang ang isa umanong miyembro ng Philippine Navy sa magkakasunod na buy bust operation sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Assistant Chief of Police for Operations Superintendent Gene Licud, ikinasa ang operasyon matapos mahuli ang isang drug suspect na nagtangkang magpuslit ng shabu sa loob ng isang detention facility ng Pasay City Police Station.

Isinailalim sa interogasyon ang nadakip na drug suspect kung saan kanyang itinuro ang mga kasamahan.

Dahil dito, agad na nagkasa ng buy bust operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip ng labing isa (11) pang mga drug supect.

Nakuha naman sa mga ito ang labing dalawang (12) sachet ng mga hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isang daan libong piso (P100,000).

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -