100KG meat products nasabat sa NAIA — BOC

0
47

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 100kg ng karne at meat products sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Ayon sa BOC, kinumpiska ang mga nasabing karne mula sa isang pasahero na galing Taipei matapos itong mabigo magpakita ng import permit.

Magugunitang nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang BOC at quaratine services ng Bureau of Animal Industry laban sa pagpasok ng karne at ibang pang meat product sa bansa.

Ito ay bahagi na rin ng pag-iingat ng mga kinauukulang ahensiya laban sa african swine fever na kalat na sa ilang bansa sa Asya.