28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

100-M halaga ng ari-arian ng Kapa Ministry isinailalim sa freeze order

- Advertisement -

Umabot na sa 100 milyong halaga ng ari – arian ng Kapa Community Ministry ang nakuha ng SEC o Securities and Exchange Commission sa bisa ng freeze order mula sa Court of Appeals.

Ayon sa SEC, nakuha nila ang freeze order noong Hunyo 4 sa pamamagitan ng Anti – Money Laundering Council na kumukilos na rin para ma – secure ang iba pang ari – arian ng Kapa.

Sakop ng freeze order ang bank deposits, insurance policies, cryptocurrency holdings at iba pa.

Napag alaman naman sa public records ng Kapa na naka rehistro sa ilalim nito ang siyam na luxury cars at sports utility vehicles, helicopter at mayroon din itong pag aaring ospital, paaralan at iba pang properties.

Naniniwala ang SEC na milyong katao ang nauto ng samahan na magbigay ng pera sa naturang investment scam na nagtatago bilang religious group.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -