10 sundalo patay sa pagsabog sa Egypt

0
21

Pinangangambahang patay ang 10 sundalo matapos sumabog ang sinasakyan nilang armored vehicle sa northern Sinai sa Egypt.

Ayon kay Army spokesman Tamer Al-Rifai, kasama sa mga nasawi ang ilang opisyal pero hindi niya matiyak kung may mga sugatan din sa insidente.

Wala pang umaakong grupo sa pag-atake na naganap sa banal na buwan ng Ramadan.

Tinatayang mahigit 800 rebel fighters na ang napatay ng Egyptian security forces mula noong 2018 sa Sinai.