28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

10 sugatan sa salpukan ng jeep, van ng Philippine navy sa Makati City

- Advertisement -

Hindi bababa sa 10 ang sugatan sa pagsalpok ng isang pampasaherong jeep sa kasalubong na van ng Philippine Navy sa Barangay Bangkal Makati City, kagabi.

Batay sa imbestigasyon ng Makati City Police, patungong PRC ang jeep nang mag-overtake ito sa sinusundang sasakyan kaya sumalpok sa paparating na van ng Philippine Navy.

Walong pasahero ng jeep ang nagtamo ng minor injuries habang isinugod naman sa military hospital ang dalawang sakay ng van.

Samantala, tumakas naman ang driver ng jeep na nakilala lamang sa pangalang Rene Dela Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -